Ni: Teoneil Regotea Zubiaga
Kilala mo ba siya? o, aking kaibigan?
Na isang ehemplo sa mga kabataan,
Iskolar , makata , bayani ng bayan
Yan ang idolo ko, Jose Rizal ang ngalan.
Ipinaglaban niya ang ating bayan
Karapatan,dignida't ang kalayaan,
Sa kanyang mga katha, tayo ay natuto
Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Bakit ilang kabataan, di na naalala
Pangalang Jose Rizal, wala na sa memorya,
Puro na lang Suprman , Batman , at Spiderman
Ang tinitingala, bayani raw ng bayan.
Sa twing ika-trenta, araw ng disyembre
Atin sanang alayan, kahit dasal na maikli,
Ating pasalamatan, ang kanyang kadakilaan
Pagmamahal sa bayan, sa mga mamamayan.
HEHEHE..... love it!!!@!
ReplyDelete